Dagsa ng Chinese vessel sa WPS ikinabahala ng DND

Dagsa ng Chinese vessel sa WPS ikinabahala ng DND

December 14, 2022 @ 6:55 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of National Defense (DND) nitong Martes, Disyembre 13 na nababahala siya sa ulat na dumarami na naman ang mga Chinese vessels sa ilang bahagi ng West Philippine Sea (WPS).

Sa pahayag, sinabi ng DND na nakita ang ilang Chinese vessels sa Iroquois Reef at Sabina Shoal.

Sa kabila nito, siniguro ni DND officer-in-charge Jose Faustino Jr. na patuloy na nagkakasa ng routine maritime at aerial patrols ang pwersa ng militar ng bansa sa WPS.

Dagdag pa, habang nananatili silang bukas sa usapin sa WPS, patuloy din nilang tututukan ang sitwasyon sa pinag-aagawang teritoryo para sa nararapat na aksyon.

“We maintain that activities which violate our sovereignty, sovereign rights, and jurisdiction, and undermine the peace and stability of the region, are unacceptable,” sinabi ni Faustino.

“The President’s directive to the Department is clear — we will not give up a single square inch of Philippine territory.”

“The Philippines remains committed to maintaining a rules-based order in the West Philippine Sea and the larger South China Sea, and reserves the right to deal with any situation that violates or threatens our territorial integrity and sovereignty,” pagtatapos niya.

Ang ulat ng pagdagsa ng mga Chinese vessels sa WPS ay makalipas lamang ang pagbisita ni United States Vice President Kamala Harris sa bansa upang ipakita ang suporta niya sa bansa. RNT/JGC