Dagul, hirap nang lumakad, kinakarga ng anak!

Dagul, hirap nang lumakad, kinakarga ng anak!

March 24, 2022 @ 10:43 AM 3 months ago


Manila, Philippines – Isa ang komedyanteng si Dagul sa mga artistang labis na apektado ng hirap sa buhay.

Na-displace kasi siya nang mawala ang Goin’ Bulilit sa ere.

But life does not stop there.

Buhat kasi nang mawala ang kanyang showbiz work, nakahanap siya ng konting pagkakakitaan sa kanilang barangay hall.

Bagama’t honorarium lang daw ang kanyang kinikita’y ayos na rin daw iyon kesa sa wala.

Sa ngayon, hirap nang lumakad si Dagul. Hindi rin siya puwedeng tumagal nang nakatayo.

Pero sa kabila nito, he still reports to the barangay office. Buhat-buhat daw siya ng kanyang anak.

Kapag wala raw siyang pasok on weekends, siya ang tumatao sa kanilang maliit na tindahan.

Ang ikinalulungkot ni Dagul ay hindi na niya kayang papag-aralin ang kanyang anak.

Wala na raw kasi siyang financial means.

Pero may payo siya sa anak para malampasan nila ang kanilang problema.

‘Yun ay huwag tatamad-tamad para kahit paano’y umasenso sa buhay.

Magsilbi sanang inspirasyon ang kuwento ni Dagul hindi lang sa mga kapwa artista, kundi sa lahat ng may pinagdaraanan sa buhay.

Not because he was born small doesn’t mean he doesn’t dream big. Ronnie Carrasco III