Dagul, problema ang pag-aaral ng anak!

Dagul, problema ang pag-aaral ng anak!

March 28, 2022 @ 5:00 PM 3 months ago


Manila, Philippines – Dahil walang show ngayon sa telebisyon ang komedyante na si Dagul ay naghanap siya ng ibang pagkakakitaan.

Nagtatrabaho siya ngayon sa barangay hall ng Montalban, Rizal, kung saan siya ang head ng command center ng mga kagawad sa kanilang lugar.

“Maliit ang kita. Hindi naman ganoon kalaki kasi nga sa barangay, ang ibinibigay sa amin honoraria lang,” sabi ni Dagul sa interview sa kanya ni Ogie Diaz para sa vlog nito.

Katuwang din siya ng kanyang misis sa kanilang maliit na sari-sari store. Siya raw ang nagbabantay kapag abala ang misis niya sa mga gawaing-bahay.

Aminado si Dagul na malaki ang pagkakaiba ng kita niya ngayon kumpara sa kinikikita niya noong nasa showbiz pa siya.

Namomroblema siya ngayon dahil hindi na niya matustusan ang edukasyon ng dalawang anak.

Ang huling show ni Dagul ay ‘yung Goin’ Bulilit noong 2019 pa. Nang mawala ‘yun sa ere ay hindi na nga siya nagkaroon pa ng show sa TV. Rommel Placente