Dahil laglag sa Pulse Asia survey: Sec. Roque, ayaw patulan ang resulta ng survey dahil hindi pa eleksyon

Dahil laglag sa Pulse Asia survey: Sec. Roque, ayaw patulan ang resulta ng survey dahil hindi pa eleksyon

July 9, 2018 @ 2:24 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Ayaw patulan ng Malakanyang ang lumabas na resulta ng senatorial preference survey ng Pulse Asia.

Ang katuwiran ni Presidential spokesperson Harry Roque ay hindi pa naman eleksyon kaya’t wala kahit na anumang posisyon ang Malakanyang sa usaping ito.

Sa ngayon aniya ay nakatutok sila sa trabaho kaya aniya walang ibig sabihin sa kanila ang latest survey ng Pulse Asia.

“Wala po. Hindi pa naman eleksyon eh, wala pa pong kahit na anong posisyon ang Palasyo dyan. Napakatagal pa po ng eleksyon. Wala naman pong eleksyon lahat po kami nakatutok lang sa trabaho ngayon. So, wala namang pong ibig sabihin iyan sa amin,” ayon kay Sec. Roque.

Sa ulat, kapwa pasok sa top 12 sina Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte at dating Philippine National Police chief Ronald dela Rosa sa senatorial preference survey ng Pulse Asia.

Sa resulta ng survey na isinagawa June 15 hanggang 21, top preference pa rin para sa senatorial post si Senator Grace Poe kung saan nakakuha ito ng 67.4 percent.

Narito ang iba pang nakapasok sa top 13 ng senatorial preference survey ng Pulse Asia:

Grace Poe – 67.4
Pia Cayetano – 55.7
Cynthia Villar – 50.1
Sara Duterte Carpio – 46.2
Edgardo “Sonny” Angara Jr. – 41.9
Jinggoy Estrada – 37.9
Ronald “Bato” dela Rosa – 37.7
Aquilino Martin “Koko” Pimentel III – 37.7
Nancy Binay -37.1
Sergio “Serge” Osmeña – 36.6
Lito Lapid – 36.2
JV Ejercito – 35.6
Paolo Benigno “Bam” Aquino – 32.1

Nakapasok din ang pangalan nina Ilocos Norte Gov. Imee Marcos na nakakuha ng 29.9 percent; Herbert “Bistek” Bautista Mar Roxas, Ramon “Bong” Revilla Jr., Francis Tolentino at Bong Go.

Nakasaad sa survey na 25th si Sec Francis Tolentino, 26th si SAP Bong Go at pang- 30th si Spox Roque. (Kris Jose)