Dahil sa BOL, kapayapaan sa Mindanao, makakamit na – PDU30

Dahil sa BOL, kapayapaan sa Mindanao, makakamit na – PDU30

August 7, 2018 @ 6:29 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Nananalig si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na matutuldukan na rin ang ilang dekada ng karahasan at makakamit na ang kaunlaran sa Mindanao makaraan niyang lagdaan ang Organic Law for the Bangsamoro Region in Muslim Mindanao.

Hinimok ng Chief Executive ang mga kapatid na Bangsamoro, maging ang mga indigenous communities at Christian settlers sa loob ng Bangsamoro areas na aktibong makibahagi sa positibong diskusyon ng bagong batas sa kanilang mga tahanan at komunidad.

“I ask my Bangsamoro brothers and sisters, as well as the indigenous communities and Christian settlers living within the Bangsamoro areas, to actively participate in constructive discussions about the law in your homes, in your villages, and communities,” anito.

Maging ang lahat ng mga stakeholders ay hinikayat ng Pangulo na makibahagi sa gaganaping plebisito para ihayag ang kanilang saloobin sa pamamagitan ng balota.

“But more importantly, I encourage you to take part in the upcoming plebiscite so that you may express your sovereign will through the ballot. Let us work together as we continue the healing and reconciliation process,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, tinawagan naman ng pansin ni Pangulong Duterte ang lahat na bigyang pagkakataon ang batas para tugunan ang hangarin ng mga Bangsamoro tungo sa pagkakaroon ng makatotohanang otonomiya.

“Let us give this law a chance to address the Bangsamoro people’s aspiration for genuine autonomy, while preserving our bond as a single nation and affirming the sovereignty of the indivisible Republic of the Philippines,” ani Pangulong Duterte. Kris Jose