Dahil sa effort na iparating sa mga mamamayan ang serbisyo ng gobyerno: Pangulong Duterte, pinasalamatan si SAP Go

Dahil sa effort na iparating sa mga mamamayan ang serbisyo ng gobyerno: Pangulong Duterte, pinasalamatan si SAP Go

July 24, 2018 @ 8:09 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address si Special Assistant to the President Christopher Bong Go dahil sa kontribusyon nito para maiparating ang serbisyo ng pamahalaan sa mga mamamayan.

Sinabi ni Pangulong Duterte na naging mahalaga ang papel ni SAP Go sa paglulunsad ng mga Malasakit Centers na nagsisilbing one stop government health centers na nagbibigay ng access sa health service ng gobyerno partikular sa mga mahihirap.

Binigyang diin ni Pangulong Duterte na sa tuwing hindi siya makapagpasya sa dapat gawin sa ilang problema, kinokonsulta niya ang kanyang mga pinagkakatiwalaang tao upang mapag-usapan ang mga posibleng solusyon dahil pinapahalagahan niya ang advice ng mga ito.

Iginiit ng Chief Executive na noong nagpasya siyang itayo ang Malasakit Center sa Cebu, Tacloban at Iloilo, naging mahalaga ang papel ng kanyang matagal nang pinagkakatiwalaang si SAP Go at grupo nito sa pamamagitan ng mga konsultasyon.

Ang Malasakit Center ay initiative project ng tanggapan ni SAP Go katuwang ang ilang ahensiya ng pamahalaan kabilang ang Department of Health, PhilHealth, Philippine Charity Sweepstakes Office, Department of Social Welfare and Development, Office of the Presidential Assistant for the Visayas at mga DOH-retained hospital sa regions 6, 7 at 8.

Sa ngayon ay mayroon nang apat na Malasakit Center kabilang ang nasa Davao, Cebu, Tacloban at Iloilo habang una nang kinumpirma ni SAP Go na mayroon pang mga susunod na ilulunsad sa iba pang lugar sa bansa. Kris Jose