Dahil sa pambu-bully, Grade 10 student, nagpatiwakal

Dahil sa pambu-bully, Grade 10 student, nagpatiwakal

July 3, 2018 @ 5:05 PM 5 years ago


Agusan del Sur – Pambu-bully ang naging dahilan ng ginawang pagpapatiwakal ng isang grade 10 student na dalagita sa Bayugan City, Agusan del Sur kamakalawa.

Nakilala ang biktima na si Reshelvan Damayo Charvet, 15 anyos at mag-aaral sa Bayugan National Comprehensive High School.

Gamit umano ng biktima sa pag-suicide ang cable wire sa pagbigti sa kisame ng kanilang bahay sa Purok 10 Brgy. Taglatawan.

Sa imbestigasyon, bandang alas-9:00 ng gabi nang madiskubre ng kanyang magulang na wala ng buhay na nakabitin ang biktima sa loob ng kanyang kuwarto.

Agad pang dinala sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival na ito.

Nalaman sa follow up investigation ang ilang mga posts sa social media accounts ng biktima na planado na ang pagpapakamatay nito.

Kasama pa sa mga posts ang mga tanong ng biktima kung ano ang pinakamadali at pinaka-nakakatakot na paraan nang pag-suicide.

Ilan din sa nakitang mga posts na marami pa siyang nais gawin sa kanyang buhay ngunit dahil umano sa mga taong nambu bully sa kanya na nasa paligid lamang ay nawalan na raw umano siyang gana sa buhay.

Wala naman nakitang bakas na may foul play sa pagkamatay ng dalagita. (Jeff Gallos)