Camarines Sur – Pinaniniwalaang naburyong ang isang 38-taong gulang na lalaki dahilan para pagtatagain nito ang kanyang asawa sa bayan ng San Fernando, Camarines Sur.
Nasa kritikal na kondisyon ngayon sa Bicol Medical Hospital ang biktima na itinago lamang sa pangalang “Diane” bunsod ng tinamong mga malalalim na sugat sa katawan at ulo.
Habang nagpakamatay naman and mister matapos ang krimen sa pamamagitan ng pagbigti sa kisame.
Ayon sa San Fernando Municipal Police, bago ang insidente ay huling nakitang nag-aaway ang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay.
Subalit sa kalagitnaan ng diskusyon ay kumuha ng bolo ang lalaki at mabilis na pinagtataga ang kanyang asawa.
Sinasabing matinding selos ng lalaki ang dahilan nito para isagawa ang krimen at kalaunan ay nag-suicide. (Jeff Gallos)