Dahil walang entry sa OSCAR, DGPI, dismayado sa FAP!

Dahil walang entry sa OSCAR, DGPI, dismayado sa FAP!

December 13, 2021 @ 10:30 AM 10 months ago


Manila, Philippines – Dismayadong-dismayado ang Directors’ Guild of the Philippines, Inc  (DGPI) sa Film Academy of the Philippines (FAP) dahil sa ‘di nito pagsa-submit ng Philippine entry sa International Films category para sa paparating na 2022 Oscar Awards sa Hollywood.

At kahit na nagpalabas na ng statement ang DGPI sa pagkadismaya nila, habang isinusulat namin ito ay wala pa ring sagot na paliwanag  ang FAP kung bakit wala itong ipinadalang entry gayung sa tingin ng grupo ng mga director ay napakaraming naglabasang magagandang pelikula ang film industry ng bansa nu’ng 2021. Binanggit ng DGPI sa social media account nila na alinman sa entries ng papalapit na 2021 Metro Manila Film Festival ay pwdeng i-nominate sa Oscars dahil sadyang maaayos naman ang walong pelikula.

Wala ring apology ang FAP director-general na si Vivian Velez tungkol sa ‘di pagtupad ng FAP sa isa sa mga responsibilidad ng nasabing ahensya ng gobyerno.

Pahayag ng DGPI sa kanilang statement: “To our knowledge, this will only be the second time the Philippines has not submitted an entry to the OSCARS, dismaying given that the OSCAR eligibility rules in this pandemic year have accommodated streaming and online jury voting, making a push from our local producers more feasible.”

Binansagan ng DGPi ang ‘di pagpadala ng FAP ng entry sa Oscars 2022 na “missed opportunty”. At dahil sa failure na ito, hinihimok ng DGPI na magkaisa ang mga taga-industriya at bumuo ng isang pribadong grupo na pwedeng magpasya tungkol sa pagpili ng mga pelikulang pwedeng isumite sa Oscar awards.

Pahayag pa ng DGIP: “This missed opportunity offers a good chance to review our country’s processes on submission of Philippine entries to the OSCAR Awards. In the spirit of self-regulation, the DGPI invites film workers to discuss and create a private sector, industry-led initiative in resolving procedures for our future OSCAR entries.”

Ang FAP ay isang government agency na nasa ilalin ng Office of the President. Mas mabilis umanong magpasya  ang isang pribadong grupo kesa sa isang ahensya ng gobyerno.

“As our industry struggles to rise above survival, some changes are necessary,” dagdag na pagtatapos ng DGPI. Danny Vibas