Dahilan kung bakit pinalitan ng SMB si Robinson

Dahilan kung bakit pinalitan ng SMB si Robinson

October 5, 2022 @ 2:50 PM 2 months ago


CHICAGO – Hindi isiniwalat ng PBA at San Miguel Beermen ang tunay na dahilan kung bakit nila pinalitan ang kanilang kasalukuyang import na si Thomas Robinson.

Kung sa NBA,  dapat isiwalat ang dahilan kung bakit ilalagay sa injury list ang isang manlalaro, kakaiba naman sa PBA dahil hindi nila ito tinutukoy.

Imbes na magkaroon ng transparency kaugnay sa pagpasok ng kapalit na import na si Diamond Stone, ay hindi umano ito ginawa ng SMB maging ng PBA.

Pero ayon sa insider,  lumabas sa MRI result na nagtamo ng pinsala sa likod si Robinson dahilan umano para palitan nila ang No. 5 pick sa 2012 NBA draft.

Hindi umano natuwa ang management sa pagiging walang silbi nito dahil hindi ito lumalahok sa mga aktibidad ng koponan sa kabila na binabayaran ito dolyares kasama pa ang mga insentibo para sa ilang buwang trabaho sa Commissioner’s Cup.

Idinagdag pa ng insider na maaaring pauwiin na si Robinson sa mga susunod na araw.

Inaasahang itatatwa ng SMB ang tunay na dahilan pero makatwiran lang na palitan nila ang isang import na binabayaran ng milyones lalo pa at hindi ito nagagamit.

Ikinuwento pa ng insider na maging ang stint ni Robinson sa Korea at Russia ay natapos ng hindi maganda.

“Pina-uwi siya,” ani ng source.JC