Dahilan ng Jake-Kylie breakup, inilantad!

Dahilan ng Jake-Kylie breakup, inilantad!

April 28, 2022 @ 7:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hanggang sa magwakas ang tatlong taong relasyon nina Jake Cuenca at Kylie Versoza ay walang nakakaalam kung ano talaga ang dahilan sa likod ng kanilang breakup.

Taong 2019 noong maging magkasintahan ang dalawa.

On their breakup, neither of the parties involved would want to talk about it.

Pero tiniyak ng aktor na walang namamagitang bitterness o galit sa kanila ng dating beauty queen.

Gusto sana ng komedyanteng si Giselle Sanchez na kapanayamin ang dalawa for her column in a popular broadsheet, pero hindi pa raw sumasagot ang mga ito sa kanya.

May mga nasagap daw kasing dahilan si Giselle behind the breakup.

Nais niyang kumpirmahin kay Jake kung totoo bang natuklasan ni Kylie na diumano’y may karelasyong miyembro ng Kongreso ang aktor?

On Kylie’s part, hindi raw umano nagustuhan ni Jake ang pagiging daring ng nobya sa pelikulang My Husband, My Lover na nagtatampok kina Marco Gumabao at Luis Alandy.

Kilalang galing kasi sa konserbatibong angkan si Jake, being the nephew of the late MTRCB Chief Manoling Morato.

Pero pinagdududahan ang ikalawang posibleng dahilan since nauunawaan naman daw ni Jake ang trabaho ni Kylie.

Samantala, wala pa ring komunikasyon sina Jake at Kylie mula noong maghiwalay sila. Ronnie Carrasco III