Dahilan ng pagpatiwakal ng Slapshock vocalist, hinimay!
November 29, 2020 @ 9:44 AM
2 months ago
Views:
1,027
Remate Online2020-11-29T09:44:23+08:00
Manila, Philippines- Malamang ay ang napakatinding depression ang nagbunsod kay Jamir Garcia, 42, vocalist ng hard rock band na Slapshock, para tapusin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa banyo ng apartment n’ya sa Project 8, Quezon City nu’ng Nobyembre 26.
At ang diumano’y sanhi ng matindi n’yang depression ay ang pag-disband ng Slapshock mula pa nu’ng Agosto at ang umanoy kasong estafa na kinahaharap niya mula pa nu’ng Oktubre.
Ang mga detalyeng ito ay mula sa exclusive report ni Pocholo Concepcion sa isang broadsheet nu’ng Oktubre.
Heto pa ang ilang mga detalye buhat sa ulat ni Concepcion tungkol sa estafa case na ‘yon.
Ang pinsang buo ni Jamir na si Jerry Basco ay isa sa guitarists ng Slapshock, na mas nauna pa kay Jamir na maging miyembro nu’ng 1997. Si Jerry ang nagrekumenda Jay Jamir na ipalit sa original nilang lead vocalist na si Reynold Munsayac nu’ng 1998 na nagpasyang iwan ang Slapshock.
Sa kalagitnaan nang taon na ito ay nadiskubre ni Jerry na diumano’y may na-withraw na malalaking halaga ng pera sa kanilang pondo na nagmula sa ilang corporate sponsors at sa digital royalties nila. Pero kulang-kulang sa isang daang libo lang ang nakarating sa kanya at sa kapwa gitaristang si Lee Nadela bilang kanilang share sa grupo.
Sa kabuuan, nadiskubre ni Jerry na diumano’y umabot na sa isang milyong piso ang ‘di naibigay ni Jamir bilang parte n’ya sa mga kita nila. Nakumpirma ni Jerry na diumano’y may mga naipasok na pera sa pondo at diumano’y may nailabas si Jamir nang walang paalam sa kanya at kay Lee.
Gaano ba kalaki ang kinikita ng Slapshock?
Ayon sa pagsaliksik ni Concepcion, mula sa isang corporate sponsor lang ng Slapshock ay binayaran sila ng total of P30 million mula 2015 hanggang ngayong 2020. Kumpanya ng beer ang sponsor na ‘yon.
May iba pa silang corporate sponsors at kita sa digital royalties ng mga kanta at performances nila.
Nu’ng October 12 unang nagsampa ng demandang estafa and qualified theft si Jerry sa Quezon City Prosecutor’s Office. Ayon kay Concepcion, may balak pa sana si Jerry na sampahan ng isa pang kaso si Jamir pero naunahan na siya ng pagyao nito. Danny Vibas
January 19, 2021 @6:49 PM
Views:
97
Manila, Philippines- Maging ang bespren ni Alex Gonzaga na si Luis Manzano ay nagulat nang malamang kinasal na pala ang kaibigan noong November 2020.
Dahil dito ay asar-talo na nagkomento si Luis sa socmed account ni Alex kung saan ay naka-post ang larawan ng kasal niya at mister na si Mikee Morada.
Bilang ganti sa hindi pag-invite sa kasal ay nagkomento si Luis, “Alam naman ba ni Mikee?”
Tila ay tinutukoy ni Luis sa kaibigan kung alam ba ni Mikee na pakakasalan niya si Alex?
Imbes na mapikon si Alex sa alaskador na kaibigan ay game niya itong sinagot sa pagsabing, “Kaya kita ‘di na inimbita e.”
Bukod kay Luis ay marami pang malapit sa puso ni Alex ang hindi nakaalam na nagpakasal na pala siya. Mga kapamilya lang kasi ng bawat isa ang kasali sa entourage ng kasal.
Say nga ni Alex, “I am very, very sorry netizens if hindi ko na-i-share sa inyo agad ang nangyari. It’s because we want to celebrate together as a family muna.
Siyempre, alam namin ‘yung timing din and alam namin na may pandemic so we just want to keep it for ourselves for a little while to celebrate.” Wally Peralta
January 19, 2021 @4:22 PM
Views:
90
Manila, Philippines- “Babae rin ako at ina.”
Ito ang buod ng pahayag ni Aiko Melendez bilang reaksyon sa mga reklamo ng dating nakarelasyon ni Jomari Yllana na si Joy Reyes.
Si Aiko ang dating asawa ng aktor-pultiko. May 21 year-old son sila, si Andrei.
Si Joy naman ay may dalawang anak kay Jomari, ages one (1) and two (2).
Kamakailan ay iniulat ng Remate Online ang himutok ni Joy sa dating karelasyon, isa na rito ang child support.
Sa hiwalay na panayam, nagpaliwanag na ng kanyang panig ang Paranaque first councilor.
Kung si Aiko ang tatanungin ay ayaw niyang pumagitna sa isyu, “Pero kung child support ang pag-uusapan, my heart goes out to the kids as I am a mother, too. Pag-usapan nila kung ano ‘yung nararapat ibigay.”
Sa kaso raw niya’y kusa na lang ni Jomari kung magbibigay ito ng suporta kay Andrei o hindi, “Kung meron, thank you. Kung wala, ayoko mamilit. That’s why I work so hard para maibigay ko ‘yung best sa mga anak ko.” Ronnie Carrasco III
January 19, 2021 @3:24 PM
Views:
60
Manila, Philippines- Karagdagang pogi points na naman sa pamahalaan ng Maynila ang anunsyo ni Mayor Isko Moreno na idinaan niya sa Intagram.
Nakatayo sa harap ng rostrum at nakaasul na polo, sinabi ni Morena na:
“Manilans and non-Manilans, puwede po kayo magpabakuna sa Manila LGU (local government unit) sa sandaling dumating ang bakuna.”
Sa ilalim ng quote card na ito’y nakasaad na “COVID-19 is a universal problem. It has to be addressed inclusively.”
Bago rito’y inatasan na ng pamahalaang Duterte na iniiwan niya sa mga LGUs ang mass vaccination para sa mga nasasakupan nito.
Ang vaccine ay inaasahang sa third quarter pa darating. Sari-saring vaccine mula sa ibang bansa ang maaaring pagpilian, pero ang Sinovac na gawang-China ang mas isinusulong ng gobyerno. Ronnie Carrasco III
January 19, 2021 @1:52 PM
Views:
72
Manila, Philippines- Patuloy na lumilipad at nadadagdagan ang mga programa ni Idol Raffy Tulfo sa mainstream media. Bukod sa “Idol in Action” na napapanood sa OnePh at TV5 ay mapapanood na rin si Tulfo sa pinakabagong “Wanted: Ang Serye” kung saan matutunghayan ang drama sa likod ng mga kontrobersiyal na reklamo sa top rating program na “Wanted sa Radyo” ng Radyo Singko.
Marami ang nagsasabing magiging male counterpart si Raffy ni Charo Santos sa longest running drama anthology na “Maalaala Mo Kaya” pero kakaiba ang atake ng broadcast journalist at isa sa mga top YouTuber ng Pinas.
“May sariling style si Raffy sa ‘Wanted: Ang Serye’ na tatak Tulfo kaya sigiradong kakaiba siya kung ikukumpara sa mga naunang drama anthology,” sabi pa ng isang production insider.
Siniguro naman ng mga taong namamahala ng programa na ang ending ng bawat episode ay kapupulutan ng kaalaman, impormasyon at aral.
Ang “Wanted: Ang Serye” ay mapapanood tuwing Sabado, 9PM sa TV5!
Sa ngayon ay tuloy-tuloy ang pamamayagpag ni Idol Raffy sa kanyang YouTube channel kung saan ay pinaghahandaan na niya ang pagsampa sa 19M ng kanyang subscribers.
FYI ay sunod-sunod na rin ang pagiging number 1 ni Idol Raffy sa mga survey sa mga tatakbong senador sa susunod na eleksyon ngunit sinasabi ni Tulfo na wala pa sa kanyang isip ang politika.
“Ang mahalaga sa ngayon, e, nakakatulong tayo sa tao at nakapagbibigay ng ngiti at saya sa kanilang buhay,” sabi pa ni Raffy. Joey Sarmiento
January 19, 2021 @11:01 AM
Views:
129
Manila, Philippines- Hindi pinalampas ni Jomari Yllana ang latest hanash ng dating karelasyong si Joy Reyes sa Instagram.
Nag-post si Joy kamakailan ng litrato ng kanilang dalawang anak na magkatabi sa gitna ng kawalan ng kuryente. Naputulan kasi sila ng power supply dahil sa mahigit isandaang libong pisong unpaid electric bills.
Kalakip ito ng billing statement na may due date na January 9.
Ayon kay Jomari, ang huling bayad niya ay noong September. Samakatwid daw ay kumokonsumo si Joy ng P33,000 kada buwan.
Isa rin sa pinalagan ng Paranaque first district Councilor ay ang umano’y inakusahang pagpapabaya niya, “I pay for their house. I pay for their food, mga vitamins at damit ng mga bata.
“Ang sa akin lang, huwag mo nang i-social media ‘yung mga reklamo na mabuti sana kung seasonal. Regular, eh.”
Himutok rin niya, “Tinanggap siya ng pamilya ko, tinrato siya nang maayos. Sana wala namang siraan.”
Natuklasan nga raw niya mula sa kanyang staff na diumano’y ibinebenta ni Joy online ang gatas (formula milk) ng mga bata, kaya sino raw ba ang matutuwa nu’n?
Unfair daw na idinadamay rin ni Joy ang mga constituents niya. Ipinangako ng aktor-pulitiko na ito na ang huling beses niyang magsasalita para idepensa ang sarili. Ronnie Carrasco III