Daily COVID-19 cases sa bansa, patuloy na bumababa

Daily COVID-19 cases sa bansa, patuloy na bumababa

July 15, 2021 @ 7:11 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Patuloy na bumababa ang naitatalang bilang ng kaso ng COVID-19 kada araw, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa kasalukuyan, nasa 4% na lamang ang bilang ng mga active cases sa bansa habang 95% na ang recovery rate.

Napanatili rin ang mababang case fatality rate sa 1.6% ng kabuuang kaso ng COVID-19.

“Hopefully, we will see a continuing decline in the number of new cases reported daily,” ani DOH Secretary Francisco Duque III sa ginanap na pre-SONA forum kahapon, July 14.

Para tuloy-tuloy na mapababa ang kaso, mahalaga, ayon sa kalihim, na palakasin ang implementasyon ng Prevent, Detect, Isolate, Treat and Reintegrate (PDITR) strategy lalo’t higit ang pagbabakuna.

Pinasalamatan din ni Duque ang mga healthcare workers sa bansa para sa kanilang kontribusyon sa laban kontra COVID-19.

“We salute all our healthcare workers — the doctors, nurses, and all those who have contributed to the successful clinical management of our COVID cases, and also for helping bring down to low level, relatively speaking, of our deaths,” dagdag ng kalihim. RNT