Daily minimum wage sa Ilocos Region tinaasan na rin

Daily minimum wage sa Ilocos Region tinaasan na rin

May 18, 2022 @ 8:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Tataasan ang daily minimum wage rate sa Ilocos Region sa P372 at P400 kasunod ng pag-apruba ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-1 (RTWPB1).

Sa isang panayam noong Martes, sinabi ni Department of Labor and Employment Ilocos Region information officer Justin Paul Marbella na nakataas na ngayon ang bagong minimum wage rate para sa affirmation ng National Wages and Productivity Commission.

“Pagkatapos nito, ito ay ilalathala sa mga lokal na pahayagan at pagkatapos ay ang bagong rate ay magkakabisa sa loob ng 15 araw pagkatapos mailathala,” aniya.

Sinabi ni Marbella na inaprubahan ng RTWPB-1 noong Mayo 11 ang minimum wage na PHP400 araw-araw para sa lahat ng non-agriculture establishments na may empleyado na 10 o higit pa; at P372 bawat araw para sa lahat ng non-agriculture firms na nagpapatrabaho ng wala pang 10 empleyado; at agrikultura, plantasyon man o hindi plantasyon.

Ang minimum na sahod simula 2019 ay nasa P340 araw-araw para sa mga non-agricultural establishments na may higit sa 30 empleyado; P310 para sa may 10 hanggang 29 na empleyado; at P282 para sa may isa hanggang siyam na empleyado.

Para sa mga empleyado ng agrikultura, ang pang-araw-araw na minimum na sahod ay P282 para sa hindi plantasyon, at P295 para sa plantasyon.

Sinabi ni DOLE Ilocos regional director lawyer Evelyn Ramos na ang pagtaas ng sahod na ito ay resulta ng komprehensibong deliberasyon ng wage board.

Ang mga domestic worker o ang kasambahay ay magkakaroon din ng pagtaas sa kanilang buwanang rate mula PHP4,500 para sa mga lungsod at first-class na munisipyo, at PHP3,500 para sa iba pang munisipalidad, hanggang PHP5,000 bawat buwan.

“Sa pagkakataong ito, naisip ng wage board na tamang itakda ang buwanang minimum wage rate na PHP5,000 para sa kasambahay anuman ang klasipikasyon ng lugar,” sabi ni Ramos. RNT