Dalaga ginahasa ng kawalwalang binata sa duhatan sa Bulacan

Dalaga ginahasa ng kawalwalang binata sa duhatan sa Bulacan

September 10, 2022 @ 5:02 PM 2 weeks ago


SAN MIGUEL, Bulacan – Basta may alak, may balak!

Ito ang kalunos-lunos na sinapit ng 20 anyos na dalagang puwersahang ginahasa umano ng kainumang 28 anyos na binata sa Brgy. Pulong Duhat, San Miguel.

Kinilala ang naarestong suspek na si Harry Liwanag, residente ng Brgy. Pulong Duhat habang ang biktima ay itago sa pangalang “Angel” ng Brgy. Camias.

Sa report ng San Miguel police, nangyari ang insidente bandang alas- 2:00 ng madaling araw nitong Setyembre 9, sa bahay ng suspek.

Ayon sa report ng pulisya, isang tawag ang natanggap nila mula sa 911 tungkol sa nangyaring insidente ng panghahalay sa lugar.

Dahil dito, agad silang rumesponde sa lugar kasama ang biktima kaya nahuli ang katomang suspek.

Base pa rin sa report, nagkainuman ang biktima at ang suspek hanggang antukin at makatulog ito.

Sa kasagsagan ng tulog ng biktima ay ginapang at puwersahan itong pinagsamantalahan ng suspek.

Sinasabing sinubukang manlaban at pilit itinutulak palayo ng biktima ang suspek subalit nanaig ang lakas nito.

Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang himpilan ng pulisya. Dick Mirasol III