Dalaga kulong sa P6.8M shabu sa Cebu

Dalaga kulong sa P6.8M shabu sa Cebu

December 16, 2022 @ 1:17 PM 2 months ago


NAGA CITY, Cebu – Shoot sa kulungan ang isang dalaga na na nasa provincial level high-value individual matapos madakip ng mga awtoridad sa isinagawang buy bust operation, noong Miyerkules, Disyembre 14 sa lungsod na ito.

Kinilala ni Cebu Provincial Police Office (CPPO) ang nadakip na suspek na si Maria Victoria Cabaron Ledesma, 28 anyos at residente ng Brgy. Suba, Naga City.

Sa pinagsamang operasyon ng Naga City police station at CPPO Drug Enforcement Unit (PDEU), bandang 5:00 PM ng madakip ang suspek sa Upper Bayong, Brgy. Inayagan, Naga City, Cebu.

Nakuha sa suspek ang higit sa 1kilo na shabu na aabot sa halagang P6.8 milyon.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. Mary Anne Sapico