Dalaga ’pinunlaan’ ng magsasaka sa kubo sa Bulacan

Dalaga ’pinunlaan’ ng magsasaka sa kubo sa Bulacan

February 18, 2022 @ 2:22 PM 4 months ago


Bulacan-Kalunos-lunos ang sinapit ng isang dalaga matapos puwersahang gahasain ng magsasaka sa isang kubo sa bayan ng Bustos.

Kinilala ang suspek na si Mang Gerry, 49, habang ang biktima ay itago sa pangalang “April”, 31,kapwa residente ng Brgy. San Pedro ng naturang bayan.

Sa report ng Bustos police,nangyari ang insidente bandang 8:00 ng umaga nitong Lunes, Pebrero 14 sa Brgy. Talampas.

Batay sa inisyal na imbestigasyon,habang nasa loob ng kubo ang biktima na kumukuha ng plastic bundle para sa mga gulay ay pinasok ito nang gigil na gigil na suspek.

Sinarado ng suspek ang pintuan hanggang sa puwersahang hinubaran ng saplot ang biktima at tuluyang hinalay.

Matapos ang insidente at nang makita ng biktima ang kanyang kasintahan ay isinalaysay ang masamang nangyari sa kanya.

Dahil dito, nagsumbong sa pulisya ang magkasintahan na agad nagsagawa ng follow up operation kaya nahuli ang suspek kalaunan.

Nahaharap sa kasong rape ang suspek habang nasa kostudiya ng naturang istasyon. Dick Mirasol III