Dalaga tinaga ng kaaway ng nanay sa Navotas, sugatan

Dalaga tinaga ng kaaway ng nanay sa Navotas, sugatan

November 30, 2022 @ 12:20 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sugatan ang isang dalaga matapos tagain ng ginang na nakaaway ng kanyang nanay nang tangkain umawat ng biktima sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Inoobserbahan sa Philippine Orthopedic Center (POC) sanhi ng tinamong taga sa kanang kamay ang biktimang si Tricia Mae Lim, 22, ng Brgy. San Roque.

Nahaharap naman sa kaukulang kaso ang suspek na kinilala bilang si Ruby Acuña, 47, may-asawa ng 1304 M. Naval St., Brgy. San Roque.

Sa report ni PSSg Reysie Peñaranda kay Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, dakong alas-5:45 ng hapon nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang nanay ng biktima at ang suspek sa Angeles Daungan 4, Brgy. San Roque.

Umuwi ang suspek at nang bumalik ay armado na ito ng jungle bolo kaya’t tinangkang umawat ng biktima subalit, sa hindi malaman na dahilan ay bigla na lamang siyang sinugod ng taga ni Acuña na tinamaan sa kanang kamay.

Isinugod ang biktima ng kanyang nanay sa Tondo Medical Center at kalaunan ay inilipat sa POC hospital habang kusang loob naman na sumuko sa rumespondeng mga tauhan ng San Roque Police Sub-station 2 ng Navotas City ang suspek, kasama ang ginamit niyang jungle bolo. Boysan Buenaventura