Dalagang bigtime investment scammer, arestado sa Bulacan intel ops

Dalagang bigtime investment scammer, arestado sa Bulacan intel ops

January 12, 2023 @ 2:00 PM 4 weeks ago


San Jose Del Monte (SJDM)), Bulacan – Arestado sa intelligence operation drive ng mga awtoridad ang isang dalaga na umano’y bigtime investment scammer at milyon-milyong piso ang natangay sa kanyang biktima.

Kinilala ni Bulacan Police director PCol. Relly Arnedo ang akusadong si Beatrice Faith Guarino, 23, negosyante, residente ng Brgy. Sto. Cristo.

Ayon sa report ni SJDM Acting chief of police, PLt. Col. Ronaldo Lamuctod Jr, naaresto ang akusado bandang alas-11:46 ng umaga nitong Enero 11, sa nabanggit na lugar sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Estafa na inisyu ni Hon. Gladys Pinky Tolete-Machacon, presiding judge of MTCC Branch 2, SJDM, Bulacan nitong Enero 6, 2023 at may P18,000 inirekomendang piyansa.

Nang dumating ang warrant of arrest nitong Enero 10, taong kasalukuyan sa naturang istasyon ay agad silang umaksyon para isilbi sa akusado.

Sinasabing ang akusado ay nag-viral sa social media dahil sa umano’y milyon-milyong pisong nakulimbat sa dami ng kanyang na biktima.

Nalamang pansamantalang nakulong sa SJDM police custodial facilities ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon. Dick Mirasol III