Dalagang pusher, inaresto sa Taguig

Dalagang pusher, inaresto sa Taguig

June 22, 2018 @ 6:56 PM 4 years ago


 

Taguig City – Inaresto ng pulisya ang isang 18-anyos na dalagang “tulak” na nagbebenta  umano ng droga sa mga high school student sa isang paaralan sa Taguig City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng hepe ng Taguig City Police na si Sr. Supt. Alexander Santos ang suspek na si Princess Cordova.

Ayon kay Santos, naaresto ang suspek alas-8:00 kamakalawa ng gabi sa ikinasang anti-criminality operation  ng kanyang mga tauhan sa J. Ramos St., Brgy. Tipas ng naturang siyudad.

Nabatid na pawang mga estudyante ng Tipas High School ang parokyano ng suspect kung saan ibinebenta umano nito sa haalagang P800.00 ang kada sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Nakumpiska ng mga pulis mula sa suspect  ang nasa 180 plastic sachet ng marijuana na may street value  na P18,000.00.

Sabi ni Southern Police District (SPD), director, Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., dapat din aniyang magpatupad ng programa kontra droga ang pamunuan ng mga paaralan tulad ng random inspection sa mga estudyante. (James I. Catapusan)