Dalagang wanted, 1 pa nalambat sa Navotas

Dalagang wanted, 1 pa nalambat sa Navotas

October 2, 2022 @ 11:50 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang wanted wanted person, kabilang ang isang dalaga sa magkahiwalay na manhunt operation sa panahon ng One Time Big Time (OTBT) sa Navotas City.

Ayon kay Navotas police Chief Col. Dexter Ollaging, dakong alas-3:05 ng hapon nang maaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at Sub-Station 4 sa joint manhunt operation ang akusadong si Russel Javelosa, 43, sa kanyang bahay sa Blk 23 Lot 41 Phase 2 Area 1, Brgy. NBBS Dagat-dagatan.

Si Javelosa ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Zaldy B. Docena ng Regional Trial Court (RTC) Branch 170, Malabon City para sa kasong Qualified Theft.

Sa Brgy. San Jose, naaresto din ng mga tauhan ng WSS at Sub-Station 3 sa joint manhunt operation sa kanyang bahay sa Blk 6 Bagong Silang si Cielo Aler, 18, dakong alas-3:20 ng hapon.

Ani PCMS Normito Tapon, si Aler ay inaresto nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Cecilia B. Parallag ng Family Court Branch 9, Navotas City para sa kasong Slight Physical Injuries. Boysan Buenaventura