Dalagita 25 beses ginahasa ng sariling ama

Dalagita 25 beses ginahasa ng sariling ama

December 3, 2022 @ 2:04 PM 2 months ago


LILOAN, Cebu – Nagwakas ang maliligayang araw ng isang ama na nasa listahan ng mga most wanted sa kasong paulit-ulit na panggagahasa sa sariling anak na noo’y dalagita pa lamang matapos madakip ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon, iniulat kahapon, Disyembre 2 sa bayang ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Christopher Danggoy, 40-anyos, at residente sa Purok Tugas, Barangay Poblacion sa Liloan, Cebu.

Sa bisa sa warrant of arrest sa 25 bilang ng kasong incestuous rape noong Hulyo 2022 nahuli ang suspek sa nasabing lugar.

Ayon sa pulisya, nagsimula ang panghahalay ng suspek sa anak na dalagita taon 2018 na noon ay 13-anyos na pa lamang hanggang sa taong kasalukuyan.

Hindi na nakayanan ng biktima ang ginagawa sa kanya ng ama kaya naglakas-loob na siyang magsumbong sa kanyang tiyahin na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek. Mary Anne Sapico