Dalagita dinonselya ng ka-chat

Dalagita dinonselya ng ka-chat

July 7, 2021 @ 11:01 AM 1 year ago


CEBU- UMUWING luhaan at iika-ika ang isang dalagita makaraan gahasain ito ng kanyang chatmate matapos makipagkita , iniulat kahapon sa bayang ito.

Personal na dumulog sa Madredijos Police Station, ang 17-anyos na biktima na itinago sa pangalan Nida para pormal sa magsampa ng kaso laban sa suspek na itinago naman sa pangala Dino, 19, at kapwa nakatira sa nasabing probinsya.

Ayon kay Police Staff Sargeant Beth Bacolod, sa Women’s and Children Protection Desk (WCPD) Madredijos Police Station, nakilala lamang ng biktima ang suspek sa social media nitong Hulyo 2, 2021.

Makalipas ang dalawang araw, nagkasundo silang magkita sa isang lugar sa nasabing bayan subalit dinala umano ng suspek ang biktima sa pribadong lugar at isinakatuparan ang makamundong pagnanasa.

Nang makaraos ang suspek pinauwi na nito ang biktima pero dumiretso si Nida sa himpilan ng pulisya sa nagsampa ng kaso laban sa suspek.

Agad naman nagsagawa ng follow-up operation ang mga otoridad na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek at sinampahan ito ng kasong rape./Mary Anne Sapico