Dalagita ginahasa ng ‘itik’ sa Bulacan

Dalagita ginahasa ng ‘itik’ sa Bulacan

January 19, 2023 @ 7:00 PM 2 weeks ago


Bulacan – Arestado ang isang 18-anyos na lalaking estudyante na umano’y nanggahasa sa kainumang minor de edad na kaibigan sa bayan ng Hagonoy.

Kinilala ang suspek sa alyas “Itik” , grade 12 student habang ang biktima ay itinago sa pangalang “Barbie”, 17, kapwa residente ng Brgy. San Jose.

Sa report ng pulisya, nangyari ang insidente bandang ala-1 ng madaling araw nitong Enero 18, sa Purok 6 ng naturang lugar.

Sinasabing nagkainuman ang mga ito sa bahay ng suspek nang mangyari umano ang panggagahasa.

Dahil dito, nagsumbong ang biktima kasama ang kanyang ama sa pulisya na rumesponde sa lugar kaya naaresto ang itinurong suspek.

Nakatakdang sumailalim ang biktima sa genital examination sa Regional Forensic Office 3, Camp Captain Julian Olivas, Pampanga.

Sinasabing kaibigan ng biktima ang suspek na ngayo’y nahaharap sa kasong paglabag sa RA 8353 in relation to RA 7610. Dick Mirasol III