Dalagita kinatay ng pinsan dahil sa dalandan

Dalagita kinatay ng pinsan dahil sa dalandan

June 30, 2022 @ 12:27 PM 1 month ago


IRIGA CITY- TADTAD ng taga at wala ng buhay ng matagpuan ang 15-anyos na dalagita matapos pagtatagain ng kanyang sariling pinsan dahil sa pagbato umano ng una ng dalandan sa huli nitong Biyernes sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Crisel Fabellare, grade 9 student, habang sumuko naman ang suspek na kinilalang si Mark Francis Fabellare. 18-anyos at kapwa residente sa Sitio Mampili, Zone 6, San Pedro, Iriga City.

Batay sa report ng Iriga City PNP, umaga ng Biyernes nagpaalam ang biktima sa kanyang magulang na pupunta sa bukid para manguha ng mga gulay na kanilang uulamin.

Pagsapit ng hapon nagtataka ang mga magulang ng biktima at hindi pa rin ito nakakauwi sa kanilang bahay kaya kinabahan sila sa sinapit ng dalagita.

Kinabukasan ng Sabado bandang 2:00 PM natagpuan ang bangkay ng biktima sa may taniman ng mga mais na tadtad ng taga sa iba’t ibang parte ng katawan.

Natagpuan rin ang itak 10-metro ang layo mula sa bangkay ng biktima na ginamit sa krimen.

Makalipas ang ilang araw hindi kinaya ng suspek ang konsensiya at sumuko ito sa mga awtoridad saka inamin ang pagpatay sa kanyang pinsan.

Depensa ng suspek bigla na lamang siyang binato ng dalandan ng biktima kaya nagalit siya at nilapitan niya ito pero tinangka siyang tagain ni Crisel.

Dito, naagaw niya ang biktima saka pinagtataga sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Kasalukuyan nakakulong sa lock-up cell ng Iriga City-PNP ang suspek at nahaharap sa kasong Murder./Mary Anne Sapico