Dalagita naki-birthday, pinulutan, kinatay ng kapitbahay

Dalagita naki-birthday, pinulutan, kinatay ng kapitbahay

June 27, 2022 @ 12:01 PM 2 months ago


COTABATO- Hindi inakala ng isang dalagita na ang pagdalo nito ng birthday party ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan matapos gahasain at patayin ng kapitbahay Linggo sa bayan ng Banisilan.

Kinilala ang biktima sa alyas Myra, 13-anyos habang nadakip naman ang suspek na si alyas Reniel cute boy, at kapwa residente sa Barangay Puting Bato Banisilan Cotabato.

Batay sa report ng Banisilan PNP, madaling-araw ng Linggo natagpuan ang bangkay ng biktima na may sugat sa ulo at nakadapa sa sagingan sa nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigasyon, bago ang insidente dumalo sa isang birthday party sa Barangay Daraganan ang biktima kasama ang kanyang Ate at pinsan.

Habang papauwi na ang mga ito nadaanan sila ng suspek at inayang sumakay sa motorsiklo subalit tumanggi ang mga itong sumakay.

Nagpupumilit ang suspek na isakay ang biktima pero tumanggi pa rin ang kanyang Ate at pinsan.

Dahil sa kapitbahay at kakilala naman nila ang suspek pinagbigyan na lamang ni Myra ang suspek kaya umangkas ito sa likod ni Reniel.

Kinagabihan, nagtataka ang pamilya ng biktima at hindi pa rin ito umuuwi sa kanilang bahay kaya nagtulong-tulong na silang maghanap.

Bago pa man sumilip ang haring-araw dito na nila nakita ang bangkay ng biktima sa may sagingan kaya agad silang humingi ng tulong sa pulisya.

Sa isinagawang hot pursuit operation ng Banisilan PNP naaresto ang suspek sa Barangay Kadingilan.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso laban sa suspek./Mary Anne Sapico