DALAGITANG NA-GANGRAPE, NASAAN ANG HUMAN RIGHTS?

DALAGITANG NA-GANGRAPE, NASAAN ANG HUMAN RIGHTS?

August 1, 2018 @ 7:43 PM 4 years ago


Basahin natin ang opinyon at komento ng isa sa mga suki natin, na may kinalaman sa pananahimik ng mga grupo gaya ng mga human rights advocates na tumutuligsa sa pamamalakad ng gobyerno.

Kung anoman ang nasulat sa espasyong ito, ito ay opinyon at komento ng nagmamasid nating mga kababayan.

Basahin natin.

Gud day po, Sir, Juandesabog. Noong nakaraang linggo, ang Angono Police ay may paalaala sa mga kababaihan natin para raw ‘di sila ma-rape.

Anila, ‘wag makipag-inuman sa mga taong ‘di mo kilala. Pero umalma at binatikos pa ang Angono Police ng Gabriela at si Riza Hontiveros.

Eh, bakit ‘yung nag-viral sa social media kamakailan tungkol sa isang 16 yrs old na dalagita na “gangrape” ng 4 na kalalakihan?

Nakilala lang daw ng dalagita ang mga suspek sa FB pero matapos makipag-inuman ang babae sa mga lalaki, isa-isa si­yang nireyp ng mga ito at habang nire-rape daw siya ay bini-video pa ang kawawang biktima.

Ang tanong ng ating suki kina Sen. Kiko Pangilinan, Riza Hontiveros, Gabriela at CHR, bakit daw tila nanahimik ang human rights advocates na ito? Eh, kapag mga addict na ang  napapatay ang ingay-ingay nila?

Ang tanong pa niya, paano ang human rights ng babaeng ginahasa rito? Kapag addict daw ang napapatay ay mabilis pa sa kidlat na nakasunggab sila sa pagtatanggol sa mga ito. Hindi raw ba napakaipokrito nila? DAVE DDS

DEDMA SI HEPE SA MGA PASUGALAN

Wala pa ring tigil ang puwesto pijo na pasaklaan ni alias Fredie sa Zapote Basa kahit abot tanaw ng mga kapulisan ng Las Piñas ang nasabing pasugalan.

Dedma lang si hepe Supt. Marion Balonglong.

Bakit kaya?

Anomang puna o reklamo, i-text lang sa 09189274764, 0926­6719269 o i-email sa [email protected] o  juandesabog­[email protected]JUAN DE SABOG NI JOHNNY MAGALONA