Dalagitang tumalon sa footbridge tepok

Dalagitang tumalon sa footbridge tepok

October 5, 2022 @ 5:57 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Agad na binawian ng buhay ang isang dalagita nang tumalon mula sa footbridge sa Quezon City.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima na tinatayang nasa 12 hanggang 15 anyos lamang.

Base sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD)-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), dakong alas-2:42 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa footbridge na matatagpuan sa Quezon Avenue, Brgy. Sta. Teresita, Q.C.

Sa salaysay ng dalawang saksi sa insidente, kasalukuyan umano silang naglalakad sa footbridge nang makita ang biktima na nakatayo doon.

Laking gulat umano nila nang sa di pa batid na kadahilanan ay bigla na lang tumalon ang biktima na agad na binawian ng buhay sanhi ng matinding pinsala na tinamo nito sa ulo at katawan.

Ang bangkay ng biktima ay dinala na sa punerarya para sa kaukulang otopsiya. Jan Sinocruz