‘Dalahira’ inaresto sa check point sa Bulacan

‘Dalahira’ inaresto sa check point sa Bulacan

August 23, 2021 @ 4:55 PM 10 months ago


Bulacan-Arestado ang isang ginang na hindi Authorised Person Out Residence APOR matapos aroganteng makipag-sagutan at nagpumilit na makalusot sa inilatag na Border/Quarantibe Control Point sa San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ang pasaherong suspek sa pangalang Ynah,40,may-asawa at residente ng Caloocan City.

Sa report ni SJDM chief of police PLTCOL Julius Alvaro kay Bulacan Police director PCOL Lawrence Cajipe,nangyari ang insidente bandang 4:20 p.m nitong August 21 sa border control point sa Sapang Alat bridge,Brgy.San Manuel.

Ayon sa imbestigasyon,habang nagsasagawa ng inspeksyon sa mga motorista ang mga awtoridad sa lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine sa pangunguna ni PLT Leonard Surio,pinara ni PSMS Adrian Nolasco ang isang Public Utility Jeep (PUJ).

Tinanong at hinanapan ni Nolasco ang pasaherong suspek kung may mga dokumento siya bilang APOR.

Nalamang imbes na naging mahinahon ang suspek ay naging arogante at nagsabing: “May kausap lang ako diyan.Bakit pabago-bago ng batas?Patingin ng ID mo.Bakit mo ako haharangin?Wala ka karapatan harangin ako.Ilabas mo ID mo?Sino kayo para mangharang?Hindi naman kayo IATF.Wala kayo karapatan.Kaibigan ko yung pulis na si SP04 V.T kaya wala kayo karapatan.Violation ng human rights ginagawa nyo.”

Dahil dito,inisyuhan ng Citation Ticket ang suspek subalit nagpumilit pa rin na pumasok sa border kaya napilitang itong arestuhin ng mga pulis.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek na pilit kinukuha ng Remate ang kanyang panig. Dick Mirasol III