Dalawa lalaki, timbog sa online selling ng marijuana sa mga estudyante

Dalawa lalaki, timbog sa online selling ng marijuana sa mga estudyante

July 6, 2018 @ 9:06 AM 5 years ago


 

Sta. Cruz, Manila – Timbog ang dalawang lalaki na sangkot sa pagbebenta ng marijuana sa mga estudyante sa pamamagitan ng online selling sa Sta.Cruz, Maynila, kagabi.

Hawak ngayon ng Manila Police District-Station 3 ang mga suspek na sina Mohamad Kalik, 22 at Alexander Xian Aniceto, 19 anyos.

Nakumpiska sa mga suspek ang kalahating kilo ng marijuana.

Ang dalawa ay naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Mayhaligue, Sta.Cruz, Maynila.

Ayon kay MPD-PS 3 Chief Investigation Section  P/Insp. Victor  Cruz Lalata, naging parokyano ng mga suspek ang mga estudyante kung saan idinadaan ang kanilang transaksyon sa pamamagitan ng facebook.

Aminado naman ang  suspek na si  Aniceto na siya ang nagsisilbing courier ng marijuana sa kanilang parokyano sa halagang P800 o hanggang P1,000 kada kilo ng marijuana.

Nabatid din na may group chat ang mga suspek at kanilang mga parokyano kung saan sila nag-uusap at nagkakasundo sa kanilang transaksyon.

Inamin din ng mga suspek na nanggagaling pa ng Calinga, Sagada ang ibinibenta nilang marijuana.

Nagsasagawa pa ng follow up operation ang pulisya para sa ikadarakip ng iba pang kasamahan ng mga suspek. (JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN)