Dalawa patay, apat sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Quezon

Dalawa patay, apat sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Quezon

July 12, 2018 @ 11:14 AM 5 years ago


 

Quezon Dalawa ang naiulat na nasawi at apat  ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan kaninang madaling-araw sa barangay Sta Catalina Atimonan Quezon.

Dead on the spot ang biktimang sina Arnolfo Macaranas, driver ng barangay Masiit  at John Erick Malacad ng barangay Malitlit, pawang lungsod ng Sta Rosa, Laguna .

Sugatan at pansamantalang nilalapatan ng lunas sa Dona Martha District Memorial hospital ang mga biktimang sina Tirso Anes 43, may-asawa, mechanics, naninirahan sa San Agustin Iriga City Camarines Norte, Austine Chris Perey de Guia, 23, binata, driver, nakatira sa Olivarez Paranaque City at Silver Ocasla Ligutan, 38, driver, naninirahan sa Olivarez Paranaque City.

Samantalang ang suspek/driver na nagtamo din ng sugat sa kanang hita na kasalukuyan naka-confine sa Lucena City hospital na nakilalang si Manjo Rebuyas Bayanay, 21, binata, residente ng San Lorenzo South Subd. Barangay Malitlit Santa Rosa City, Laguna .

Batay sa report na isinumite kay P/ssupt. Osmundo de Guzman provincial director ng Quezon PNP,  ganap na alas-2 ng madaling-araw ng aksidenteng mawalan ng preno ang elf truck na may plakang bbf-232 na dahilan ng pagkakabangga nito sa daihatsu charade na may plakang tfe-575, kasunod naman binangga ng elf truck ang isang isuzu elf aluminum van na may plate number abd -3270, na humantong sa pagkasawi ng dalawa at ikinasugat ng  tatlong pasahero gayundin ng suspek. ellen apostol