Dalawang lalaki, timbog sa shabu sa Maynila

Dalawang lalaki, timbog sa shabu sa Maynila

June 24, 2018 @ 3:59 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Arestado ang dalawang lalaki sa magkakahiwalay na Anti-Criminality operation ng Manila Police District (MPD) kagabi sa Maynila.

Unang naaresto ng mga tauhan ng SDET Sta. Ana Police Station (PS 6) sa buy-bust operation dakong 9:30 sa kahabaan ng Jimenes St., San Andres Bukid ang suspek na si Jomar Malanum, miyembro ng Bahala na Ganga, 24 , may live- in partner, walang trabaho ng 2111 Concha St., San Andres Bukid Maynila.

Walong sachet ng hinihinalang shabu ang nakumpiska mula sa suspek na may street value na halagang P2,400.

Naaresto rin ng mga tauhan ng Sampaloc Police Station (PS4) si Justo Racho Jr , Noknok, 43, kasalukuyang nakatira sa 646 Reten St., Sampaloc Maynila kung saan nakuhanan ito ng isang plastic sachet na pinaniniwalaang naglalaman ng shabu.

Isang concerned citizen umano ang tumawag sa pulisya hinggil sa illegal na aktibidad ng suspek dakong alas 10 ng gabi sa kahabaan ng Sulucan St. malapit sa kanto ng Loyola St., Sampaloc Maynila.

Sasampahan ng kasong paglabag sa R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang mga naarestong suspek sa Manila Prosecutors Office.(JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN)