Dalawang lalaking nanghalay ng kaeskuwela, arestado sa QC

Dalawang lalaking nanghalay ng kaeskuwela, arestado sa QC

July 17, 2018 @ 8:25 AM 4 years ago


 

Quezon City – Arestado ang dalawang lalaki na nanggahasa umano sa kanilang 16-anyos na kaeskwela sa Brgy. Holy Spirit Quezon City kagabi.
Sa ikinasang entrapment operation naaresto ang mga suspek na isang 16-anyos at isang 19-anyos.
Kuwento ng tiyahin ng biktima, Sabado ng gabi ay nag-inuman ang magkakaeskwela  sa isang bar sa Lagro matapos ang kanilang klase.
Pero noong nagyayaya nang umuwi ang lasing na biktima ay isinakay siya sa sasakyan ng mga suspek at dinala sa isang bahay.
Doon na raw pinagsamantalahan ang biktima ng dalawang suspek.
Inihatid pa ng isa sa mga suspek ang biktima hanggang sa sakayan ng tricycle.
Nalaman na lang ang insidente nang magsumbong ang biktima sa kanyang pinsan nitong Linggo ng gabi. May kiss mark pa ang biktima sa kanyang leeg.
Itinanggi ng 19-anyos na suspek na ginahasa niya ang biktima habang ang 16-anyos na suspek ay wala raw maalala sa sobrang kalasingan.
Hindi naman matanggap ng nanay ng biktima ang sinapit ng kanyang anak at desidido silang magsampa ng reklamong rape laban sa mga suspek.
Ang menor de edad namang suspek ay itu-turnover sa DSWD.