Dalawang personalidad, sabit sa kaso ni Jelai kay Jon Gutierrez!



Dalawang personalidad, sabit sa kaso ni Jelai kay Jon Gutierrez!

June 10, 2021 @ 9:19 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nag-file ng panibagong legal complaint na concubinage ang social media personality and at the same GMA actress na si Jelai Andres against her ex-husband Jon Gutierrez of the hip-hop group Ex-Battalion sa Department of Justice sa Quezon City.

Nag-coincide ito ng kanyang pagdalo sa pangalawang hearing ng kanyang reklamong paglabag sa R.A. 9262, o Violence Against Women And Children Act, na kanyang unang isinampa laban sa asawa.

According to Jelai, nagkaroon pa sila ng komunikasyon ni Jon, but in the end, he admitted his relationship with his concubine, the very reason why she has come to the decision of filing a concubinage case.

“Meron pa po akong na-file na ibang cases sa ibang taong involved maliban kay Jon.

“Sobra na kasi, parang masyado na akong natapak-tapakan, tapos ‘yung kabilang panig pa ‘yung naghahamon at parang matatapang.

“I realized that we need to learn how to stand up and fight for our rights para makakuha ng justice.”

Inaasahan raw niyang may matututunan ang mga taong hindi marunong rumespeto sa sanctity ng marriage.

Kasama ni Andres sa nasabing paghaharap ang kanyang legal counsel na si Atty. Faye Singson.

May dalawang kasali pa raw na personalidad in connection with the legal complaint, but she chose not to mention them.

Suffice to say, nakitaan raw diumano ng mga prima facie evidence na meron talagang aktong pakikiapid si Jon.

According to Jelai, kailangan raw niyang gawin ito para kanyang mabigyan ng proteksiyon ang kanyang sarili at ipaglaban ang kanyang karapatan bilang tao.

“Huwag nilang i-normalize ang pakikiapid.

“Ignorance of the law is not an excuse, lalo na kung wala kang pakialam.

“Yung selfish ka, at handa kang makasira at makasakit ng tao, handa kang makasira sa pamilya ng iba.

“Kailangan ko lang ipaglaban ang pagkababae ko. Hindi lang bilang babae, kundi bilang tao po.

“Sobra na po kasi… Eto na, kailangang kong ipagtanggol ang pagkatao ko.”

Right after ng dalawang reklamong kanyang naisampa, kasunod na raw nito ang kanyang pag-file ng annulment of marriage.

Looking back, matatandaang ikinasal sina Jelai at Jon last October 2018. They were both 29 years old. Pete Ampoloquio Jr.


  •  
  •  
  •