Dalawang Pinay model susunod sa yapak ni Maureen Wroblewitz

Dalawang Pinay model susunod sa yapak ni Maureen Wroblewitz

July 19, 2018 @ 6:09 PM 4 years ago


Aabangan ang dalawang Pinay sa muling pagbubukas ng “Asia’s Next Top Model” kabilang ang 12 kandidata.

Kanya-kanyang pambato na ang mga Pinoy sa kung kina Jach Manere at Adela Mae Marshall ang posibleng maging susunod sa yapak ni Maureen Wroblewitz na siyang kinilalang cycle 5 “Asia’s Next Top Model.

Si Manere ay miyembro ng Professional Models Association of the Philippines at minsan na ring inihambing kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzback dahil sa pagiging ka-look-a-like nito.

Habang si Marshall ay  hawak ng parehong manager ni Wroblewitz  na Prima Stella Management. (Remate News Team)