Dalawang Pinay na binihag sa Iraq, pinalaya na

Dalawang Pinay na binihag sa Iraq, pinalaya na

July 9, 2018 @ 9:50 AM 5 years ago


 

Baquba, Iraq – Pinalaya na ang dalawang Pinay na kinidnap  sa Iraq ng mga armadong lalaki kahapon, (July 8) ayon sa Diyala province police chief.

Ang dalawang Pinay, kasama ng dalawa pang babae at driver ng kotse ay binabagtas ang kalsada na nagkokonekta sa Baghdad at Kirkuk nang tambangan sila ng mga armadong lalaki at tinangay ang apat na babae.

Nakatakas naman kalaunan ang dalawang babae na kasama ng dalawang Pinay pati ang driver ng kotseng sinasakyan nila.

Hindi pa rin malinaw ang pagkakakilanlan at motibo ng mga kidnappers na ito ayon sa ulat.

Sa nakalipas na mga linggo, tumataas ang bilang ng pag-atake at kidnapping ng Islamic State militants.

Sa katunayan, nasa walong miyembro ng security forces ang binihag din at kalaunan ay pinatay pa ng mga militante sa kaparehong highway noong nakaraang buwan. (Remate News Team)