Dalawang robbery suspek, arestado

Dalawang robbery suspek, arestado

June 24, 2018 @ 4:16 PM 4 years ago


Quezon City – Suwak sa kulungan ang dalawang robbery suspek makaraang madakip ng mga pulis sa magkahiwalay na operasyon sa Quezon City kahapon ng hapon Hunyo 23, 2018.

Sa ulat ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Chief Superintendent Joselito T Esquivel Jr., kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, PCSupt Guillermo Lorenzo T Eleazar, kinilala ang nadakip na suspek na si Bryan Tercio, 20, ng Brgy. E Rodriguez at Loujhin Torres, 29, ng Caloocan City.

Ayon sa ulat ng QC police si Tercio ang unang nadakip ng mga pulis dakong 3:00 ng hapon nitong nakalipas na Sabado.

Ito’y makaraan magreklamo ang biktimang si Camille Santos, 22, binata, residente ng No.88 Lagoon Street, Barangay Ramon Magsaysay, Bago Bantay, QC na hinoldap siya ng suspek habang nag–aantay ng masasakyan pauwi sa kanilang bahay matapos holdapin ng suspek sa harap ng Lemon Square, Edsa, Brgy. Katipunan,QC.

Agad naman humingi ng tulong sa mga pulis ang biktima at nadakip ang suspek sa isinagawang follow-up operation at nakuha sa kaniya ang isang patalim, 1 M203 High Explosive Ammunition at isang unit ng Samsung J7 Prime Cellular Phone na umanong gamit ng complainant.

Ayon sa ulat ng pulisya si Tercio ay dati umanong nakulong sa Cubao Police station 7 dahil sa kasong RA 10883 o ang New Anti-Carnapping Law nitong nakalipas na Marso 8, 2017 at sa Caloocan Police station 1 dahil umano sa kasong Homicide.

Habang si Torres ay nadakip naman dakong 9:00 ng gabi nitong nakalipas na Sabado Hunyo 23, 2018 matapos umanong pasukin ang bahay ng isang Joey Buenaventura sa no. 102 Pangasinan St., Brgy. Sto Cristo, Bago Bantay, QC at tinangay ang iba’t ibang gamit ng complainant nakita ni Buenaventura ang suspek kaya agad na humingi ng tulong sa mga opisyal ng kanilang barangay at nadakip ang suspek. (santi celario)