Dalawang WWII planes nagsalpukan sa air show

Dalawang WWII planes nagsalpukan sa air show

November 13, 2022 @ 11:03 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Dalawang eroplano mula pa sa panahon ng World War II ang nagbanggaan habang nasa air show sa Dallas, United States nitong Sabado, Nobyembre 12.

Ito ang kinumpirma ng US aviation authorities na hanggang sa ngayon ay hindi pa malinaw kung ilang tao ang sakay ng dalawang eroplano.

Ang dalawang World War II planes ay ang Boeing B-17 Flying Fortress at Bell P-63 Kingcobra ayon sa Federal Aviation Administration.

Hindi pa din kaumpirma kung may nakaligtas sa nangyaring banggaan na nangyari sa kasagsagan ng Wings Over Dallas Airshow sa Dallas Executive Airport na sa video ay makikitang nagkawatak-watak pa ang mga bahagi ng dalawang eroplano bago tuluyang sumabog.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng FAA at ng National Transportation Safety Board sa nangyaring insidente. RNT/JGC