Dambuhalang pagtaas ng DepEd budget sa 2023, kinuwestiyon ng oposisyon

Dambuhalang pagtaas ng DepEd budget sa 2023, kinuwestiyon ng oposisyon

September 25, 2022 @ 4:47 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Matinding kinuwestiyon ni Senate minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang dambuhalang pagtaas ng badyet ng Department of Education (DepEd) sa 2023 partikular ang pagtaas ng pondo sa voucher program at subscription expenses.

Sa pahayag, sinabi ni Pimentel na kailangan magkaroon ng assurance na mapupunta ang dambuhalang pagtaas ng badyet sa voucher program sa benepisaryo ng programa sa Senior Highschool.

“This voucher program being administered by the Department of Education has ballooned exponentially to a tune of P39.326 billion under the 2023 National Expenditures Program from only P16.534 billion this year,” ayon kay Pimentel.

“Why did it increase more than double? What is the guarantee that the budget will go to its intended beneficiaries?” tanong ni Pimentel.

Pimentel noted that the budget for the voucher program for private senior high school (SHS Voucher Program) was only P13.692 billion in 2021; P23.93 billion in 2020, and P18.756 billion in 2019.

Sinabi ni Pimentel na natatangi ang SHS Voucher Program sa may pinakamalaking pagtaas sa badyet ng DepEd para sa 2023.

“I am not saying that I am against it or it is anomalous. But I wanted to be clarified because this is such a huge increase that should not skip scrutiny. We are entrusted with the job of being the Senate’s chief fiscalizer and it will be a huge disservice to the Filipino people if we do not bring this to the attention of the agency involved,” giit ni Pimentel.

Iniulat ng Commission on Audit nitong 2021 na nabenepsiyuha ng SHS voucher program ang 1, 107,083 estudyante na mas mababa ang target na 1,417,613 ng DepEd, ayon kay Pimentel.

Napansin pa ni Pimentel na sa kabila ng malaking pagtaas sa badyet dito, bumaba naman ang target beneficiaries sa 2023 sa 1,132 mimlyon mula sa 1.383 milyong sa taong kasalukuyan.

Pinangungunahan ni Vice President Sara Duterte ang DepEd na may hiwalay na P150 milyong intelligence funds sa ahensiya bukod sa mahigit P500 milyon sa Office of the Vice President.

Pinagpapaliwanag din ni Pimentel ang Deped sa masyadong magarbong
subscription expenses na umaabot ang badyet sa P2.563 bilyon sa 2023 kumpara sa P24.68 milyon sa 2022 at P26milyon sa 2021.

“This is yet another huge increase that should be explained by DepEd,” ani Pimentel.

Sa ilalim ng panukalang P5.268 trilyong pondo sa 2023, aabot sa P709 bilyon ang makukuha ng Deped, ayon kay Pimentel. Ernie Reyes