Dami ng maaning sibuyas sa 2023 ‘di pa alam

Dami ng maaning sibuyas sa 2023 ‘di pa alam

December 29, 2022 @ 8:23 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapagbigay ng projection ang gobyerno hinggil sa kung gaano karami ang posibleng maaning sibuyas sa 2023.

Ang paliwanag ni Department of Agriculture Deputy Spokesperson Rex Estoperez sa Laging Handa Public briefing, hindi pa kakayaning makapag-bigay ng estimate lalo na’t kagagaling-galing pa lamang sa bagyo ng ilang mga lugar sa bansa.

Maliban dito ay nag-iingat din aniya ang ilang mga magsasaka sa pagtatanim gayung napakataas ng cost of production at hindi nila alam kung kailan darating ang isang bagyo.

Ang importante rito aniya ay ang intervention ng pamahalaan na dapat gawin sa mga magsasaka nang sa gayon ay mahikayat ang mga itong mag-produce pa ng sibuyas at mula duon ay magkaruon ng production estimation.

Samantala, sinabi ni Estoperez na mahalagang matumbok ang kasalukuyang sitwasyon sa supply and demand ng sibuyas at itoy sa harap na rin ng plano ni Senadora Imee Marcos na magpatawag ng imbestigasyon hinggil sa posibleng ugnayan ng mga traders para manipulahin ang presyo ng sibuyas. Kris Jose