Damit sa SONA na may political message, bawal; ilang grupo pumalag!

Damit sa SONA na may political message, bawal; ilang grupo pumalag!

July 24, 2022 @ 2:38 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Kinondena ng ACT Teachers at Kabataan Partylist ang direktiba ng House of Representatives na nagbabawal sa pagsusuot ng attire sa State of the Nation Address (Sona) na may mga political messages.

Sa isang memorandum na inisyu ni House of Representatives Secretary General Mark Llandro Mendoza nakasaad dito na ang lahat ng Sona attendees ay pinagbabawalan na magsuot ng mga damit na may mensaheng pulitika.

Subalit giit ni ACT Teachers Partylist Rep France Castro noon pa man ay ginagamit na ng mga bista sa SONA ang fashion bilang paraan ng kanilang pagpapahayag ng kailang advocacy kaya naman hiniling nito kay Mendao na bawiin ang nauna nang direktiba.

“This Representation urges your good office to withdraw the said provision and/or not implement it on the day of the State of the Nation Address. We find no provision in any of the past Congresses’ Rules of the House of Representatives and the Senate — both of which are effective during the Joint Session — that is violated by the wearing of clothes with political messages,” nakasaad sa ulat ni Castro kay Mendoza.

Ani Castro panghihimasok sa personal freedom ang nais na gawin ni Mendoza at malinaw na paglabag sa civil at political rights ng isang kinatawan ng Kamara.

Gayundin ang pahayag ng Kabataan Partylist, giniit ni Rep Raoul Manuel na ito ang kauna unahang pagkakataon na ipinagbabawal ang protesta na inihaluntulad sa sistema noong martial law.

“This is the first time in recent history that an explicit prohibition is issued. Protests were prohibited, and now political messages in clothing are also banned because they seem to be so afraid of art? Is this Martial Law?” ani Manuel.

Sinabi ni Manuel na ang bawat isa maging mga mambabatas ay may kaparatan na ihayag ang kanlang saloobin ito man ay sa pamamagitan ng art at fashion. Gail Mendoza