Dance instructor tiklo sa P680K shabu sa QC

Dance instructor tiklo sa P680K shabu sa QC

November 24, 2022 @ 5:24 PM 2 days ago


MANILA, Philippines- Nadakip ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang dance instructor matapos na kumagat sa buy-bust operation kaninang madaling araw sa nasabing lungsod.

Kinilala ni QCPD Director, PBGEN Nicolas Torre III ang suspek na si Mark Arthur Managaytay Mendoza, 32, ng Brgy. Culiat, Quezon City.

Sa ulat ni Batasan Police Station (PS 6) commander PLTCOL Morgan Aguilar, dakong alas-3:30 ng madaling araw (November 24) nang isagawa ang drug operation sa Commonwealth Ave., Brgy. Old Balara, Q.C.

Nauna rito, nakatanggap ng tip ang mga awtoridad sa ilegal na aktibidad ng suspek sanhi upang isailalim sa surveilance si Mendoza.

Isang pulis ang nagpanggap na buyer at nang makabili ng P130,000 halaga ng shabu mula sa suspek, ay agad na siyang inaresto.

Nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang aabot sa may 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000, weighing scale, cellular phone, itim na Mio Sporty Yamaha motorcycle, at buy-bust money.

Inihahanda na kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek. Jan Sinocruz