Dani Barretto, sumawsaw sa issue ni Dennis at mga anak!

Dani Barretto, sumawsaw sa issue ni Dennis at mga anak!

July 1, 2022 @ 7:30 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Matapos ang kaliwa’t kanang bashing na natanggap ng mga anak ni Dennis Padilla kay Marjorie Barretto, mukhang hindi na rin napigilan ni Dani na makisawsaw tungkol sa issue.

Sa Instagram story ni Dani, nag-share ito ng kuha ng ilang pahina ng libro na ang content ay may kinalaman sa healing at survival.

Agad naman itong binigyan ng kahulugan ng netizens at may ilang sinabihang “mahilig makisawsaw” ang YouTuber.

Sina Julia, Leon, at Claudia ay mga anak ni Marjorie kay Dennis habang si Dani ay kay Kier Legazpi kaya naman ayon sa netizens, labas ito sa issue.

“No one will ever fully be able to understand the internal battles you had to endure just to heal, just to grow, just to make it here today.

“Be proud of the way you fought to save yourself. Be proud of the way you survived,” laman ng IG story ni Dani.

She didn’t mention anyone or any of her siblings sa story kaya posibleng iba ang hugot nito.

May nam-bash pero may nagtanggol din naman sa panganay na anak ni Marjorie and said, “At the end of the day kapatid niya pa rin ang mga ‘yun so may say siya sa kahit anong pinagdadaanan.”

Well, may point. Maliban doon, “Her account, her rules on what to post!” Paula Jonabelle Ignacio