Dani Ravena unang libero-captain sa Pinas

Dani Ravena unang libero-captain sa Pinas

September 7, 2021 @ 8:52 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Naitatak ni Dani Ravena ang kanyang pangalan sa kasaysayan ng Philippine volleyball bilang kauna-unahang libero na hinirang na captain ng isang local team.

Sa haba ng panahon, hindi umano ito pinapayagan sa rule book ng Fédération Internationale de Volleyball (FIVB), pero nitong February 2021, sa isinagawang  37th FIVB World Congress, inaprubahan ang proposal na pinapayagan ang libero na pangunahan ang team at game.

Ito ang ginawang pagbabago sa Rule 5 matapos ang g pagrebisa sa matagal ng regulasyon dahil wala umanong rason para hindi payagan ang libero na magsilbing team captain ng team.

Ayon sa FIVB: “The Commission reasoned that, although the libero frequently enters and leaves the court, same as a team captain in many cases, there is no reason to not allow the libero to be captain.”

Inimprub din ang ibang rules matapos ang ginawang pagbabago kaugnay sa liberos.

Sa edad na 21-year-old sa kanyang junior year sa Ateneo Lady Eagles, tinanggap na nito ang responsibilidad na pangunahan ang kanyang volleyball team.

“Yes, [I am taking the captainship],” wika nito.

Si Dani ang youngest sa pamilya ng mga atleta at nasa kanyang pang-apat na taon na sa champion team.

Isiniwalat nito na katulong niya sina middle blocker Vanie Gandler at outside hitter Faith Nisperos bilang co-captains.

Inaasahang na ni Ravena na malaki ang kanyang gagampanang papel at haharaping pagsubok bilang team captain dahil sa pandemic.JC