Danica, nagsalita sa pagkakaroon ng broken family!

Danica, nagsalita sa pagkakaroon ng broken family!

March 4, 2022 @ 2:33 PM 4 months ago


Manila, Philippines – Aminado si Danica Sotto na lumaki siya sa broken family dahil sa ngayon, may kanya-kanyang nang mga pamilya ang kanyang dad Vic, sa piling ni Pauleen Luna, samantalang ang kanyang mom naman ay kasal na kay Congressman DV Savellano ng unang distrito ng Ilocos Sur.

Pero hindi raw naman ibig sabihin noon na kahit may sari-sarili nang mga pamilya ang mga magulang niya, ay daranasin din ng kanilang mga anak ang pinagdaanan niya sa kanilang mga parents.

 Sa katunayan, kahit nagkahiwalay daw ang mga magulang nila ng kapatid na si Oyo Boy, maayos at masasabing ideal daw ang married life nilang magkapatid.

Ani Danica, maaaring maiba ang kapalaran ng mga anak sa mga magulang ng naghiwalay na mag-asawa dahil sila mismo ang nakakita at natuto sa pagkakamaling nagawa ng kanilang mga parents.

Ito ang makahulugang mensahe niya sa kanyang Facebook account : “To the children of separated parents… You are not doomed to repeat the mistakes of your parents. You will find love and you have love kasi you learned from what they did wrong. Marriage lang nila ang nag-end pero ikaw hindi… you are not broken.

“Ask God to help and guide you. Kasi if we genuinely experience and understand God’s love, you won’t need to prove yourself to other people. You know na buo ka kasi HE fills in the gaps. ‘Yung ‘di kayang punuin ng mga tao lang.”

 Marami naman ang humanga sa mature disposition at pananaw ni Danica na may dalawang anak na sa dating star basketball player na si Marc Pingris.

Si Danica at ang kanyang mga anak ay nagpositibo noon sa COVID-19 na nalampasan naman nila after na mag-quarantine sila. Archie Liao