Daniel may makikilalang bagong tsiks, ayon sa hula

Daniel may makikilalang bagong tsiks, ayon sa hula

January 23, 2022 @ 1:47 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Panauhin ni Aiko Melendez sa kanyang YouTube channel ang sumisikat na celebrity psychic na si Jovi Vargas.

As in start of every year, kadalasang pinapaksa ang mga predictions, tungkol sa mga topics sa pulitika o showbiz.

Gamit ang tarot cards ay maraming hinulaan si Jovi. Kabilang ang posibleng kasapitan ng tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Halatang very intense sa pakikinig si Aiko dahil isa pala siyang self-confessed huge Kathryn fan.

Ani Jovi, ngayong 2022 raw ay makakatagpo ng ibang babae ang batang aktor.

Obyus na ikinalungkot ito ni Aiko who was quick with her follow-up question: “Pero hindi naman sila maghihiwalay?”

Nahimasmasan lang si Aiko nang sabihin ni Jovi na “crush” lang daw ‘yon ni Daniel. Never daw ‘yon magiging dahilan para mabuwag ang loveteam nila, much less ang kanilang relasyon.

As for the equally popular loveteam of Liza Soberano and Enrique Gil, malabo pa raw magkaroon ng wedding bells.

Paulit-ulit na ginigiit ni Jovi na ang mga hula o prediction ay nagsisilbing gabay lamang dahil ang nasa Itaas pa rin ang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa kinabukasan. Ronnie Carrasco III