Danny Javier ng APO, pumanaw na!

Danny Javier ng APO, pumanaw na!

November 1, 2022 @ 8:15 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Nagluluksa ang buong local music industry sa pagpanaw ni Danny Javier nu’ng gabi ng October 31, Lunes.

Danny was 75.

Si Danny ang lead vocalit ng Apo Hiking Society na kinabilangan din nina Jim Paredes at Boboy Garrovillo.

Ang pagyao ni Danny ay kinumpirma mismo ng kanyang anak na si Justine sa Facebook.

Ani Justine, sa buong buhay at hanggang kamatayan ng ama, ” he loved, belived in and was passionate about his music.”

Ramdam daw niya ang pagmamahal ng tao, na may karugtong na linya hango sa isa sa mga awitin ng grupo, “sa hirap at ginhawa, kami’y kasama mo.”

Matatandaang taong 2020 nang ibahagi ni Danny na meron siyang “underlying concerns.”

He died of complications in the heart, kidney and lungs.

Nagpaabot ng pakikiramay ang mga kapwa singer na sina Zsa Zsa Padilla at Leah Navarro via social media.

Kamakailan lang ay naiulat namin dito sa Remate Online na sinabi ni Boboy na mahina raw si Danny pero nakaka-recover.

Tinanong si Boboy kung posible bang gumawa silang tatlo ng reuinion movie.

Ilan sa mga pinasikat na awitin ng Apo ay Batang-bata ka Pa, Panalangin, Ewan, Pumapatak anh Ulan, among others.

Nagkaroon din ang grupo ng hosting stint sa programang Sa Linggo nApo Sila na umere sa ABS-CBN.

Nakikiramay ang pahayagang ito sa mga naulila ni Danny.

Local music will never be the same again. Paalam, Danny. Ronnie Carrasco III