Danny ng APO, mahina at may sakit; reunion movie, di matutuloy!

Danny ng APO, mahina at may sakit; reunion movie, di matutuloy!

October 26, 2022 @ 6:30 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Gustuhin man ni Boboy Garovillo na magkaroon ng reunion movie ang dating grupong APO ay malabo na raw.

Ang APO na sumikat noong dekada sitenta ay ang grupo nila nina Jim Paredes at Danny Javier.

Sa presscon ng Unica Hija ng GMA kung saan kabilang sa cast si Boboy ay kinumpirma niyang sila na lang daw ni Jim ang aktibo sa pagkanta.

Bagama’t nasa Australia, may mga pagkakataong umuuwi ng bansa si Jim to fulfill singing engagements.

Asked kung kumusta na si Danny, sinabi ni Boboy na may sakit ito at may kahinaan, “But he’s recovering.”

Of the three, itinuturing ni Boboy na masuwerte siya dahil kahit nabuwag na ang grupo nila noong 2009, he never runs out of showbiz assignments.

Boboy last appeared in GMA’s First Lady where he played father to Melody played by Sanya Lopez.

Hindi pa rin daw kumukupas ang kanyang hilig sa pagkanta dahil huwag lang daw siya makakita ng gitara ay kasama niyang nagdya-jamming ang ilang co-stars.

Si Jim naman daw kahit nasa Australia ay patuloy pa rin sa pagsusulat ng mga kanta, bagay na nakasanayan na nitong gawin during the acrive years of APO.

Si Danny lang daw talaga ang may problema sa health condition nito.

Kaya pala inihihingi rin niya ng panalangin ang kapwa singer na si Richard Merck na sana’y bumuti ang kalagayan nito.

Isa sa mga ‘di malilimutang pelikulang nilabasan ng APO ay ang classic film ni Mike de Leon na Kakaba-kaba Ka Ba? noong dekada otsenta. Ronnie Carrasco III