Dantaong kalansay, iba pang artifacts nahukay sa Cebu

Dantaong kalansay, iba pang artifacts nahukay sa Cebu

March 3, 2023 @ 5:46 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nadiskubre ng grupo ng mga archeologist ang dantaong kalansay at mga artifact sa Daanbantayan, Northern Cebu.

Nakuha ang mga ito sa tapat ng cultural center ng lungsod.

Ayon kay Archeologist Dr. Jobers Reynes Bersales at mga kasamahan nito, ang kalansay ay 600 hanggang 800 taon na.

“It was workers digging a drainage ditch along the stretch fronting the Lamberto R. Te Cultural Center in Barangay Poblacion who first found it then we called a team,” pahayag ng Daanbantayan local government unit.

Pinayagan naman ng National Commission for Culture and the Arts ang initial assessment para rito.

Maliban sa kalansay, nakuha rin ang mga Chinese ceramics mula sa naturang lugar.

“Radiocarbon dating will be used to determine the age of the artifacts,” dagdag pa ng naturang bayan.

Ipapasa naman nina Bernales at team nito ang archeological impact report habang nagpapatuloy ang paghuhukay sa lugar. RNT/JGC