Comelec: Pag-isyu ng voter’s certification muling umarangkada

August 8, 2022 @6:40 PM
Views:
5
MANILA, Philippines-Ipinagpatuloy ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Lunes ang pag-iisyu ng voter’s certification para sa mga lokal at overseas na mga botante isang linggo matapos masunog ang pangunahing opisina nito sa Intramuros, Manila.
Sinabi ni Comelec acting spokesperson John Rex Laudiangco na handa na ang kanilang Election Records and Statistics Department (ERSD) at Office For Overseas Voting (OFOV) na tumanggap ng mga aplikasyon para sa voter’s certification.
“The public is hereby informed that the issuance of voter’s certification at the Comelec main office resumes today, August 8. We are now accepting requests/applications for issuance of overseas voters’ certificates starting today,” ayon sa advisory.
Pinayuhan ang mga aplikante para sa local voter’s certification na magtungo sa ERSD office na matatagpuan sa FEMII Building Extension, sa Intramuros.
Kailangan lamang magprisinta ng valid ID at magsumite ng photocopy at magbayad ng P75 fee habang ang otorisadong kinatawan ay dapat ding magsumite ng authorization letter at kanyang valid ID.
Sa kabilang banda, ang voter’s certificate ay libre para sa senior citizens, persons with disability (PWDs),miyembro ng Indigenous People (IP) at Indigenous Cultural Communities (ICC) at solo parents.
Sinabi ng poll body na maaaring makuha ang sertipikasyon ng lokal na botante mula sa Office of the Election Officer (OEO) ng distrito/lungsod/munisipyo, kung saan nakarehistro ang botante.
Para sa overseas voter certification, ang aplikasyon ay maaaring ihain sa OFOV sa Comelec main office.
Kinakailangan nilang dalhin ang pasaporte o anumang photo ID na ibinigay ng gobyerno ng rehistradong botante sa ibang bansa at magbayad ng P100 na certification fee.
Dagdag pa na ang authorization letter ay kailangan kung ang aplikasyon ng registered overseas voter ay inihain ng kinatawan.
Ang voter’s certification ay isang dokumento na nagsisilbing bilang pansamantalang voter’s ID sa kahilingan ng rehistradong botante.
Ito ay may bisa sa loob ng isang taon mula sa petsa ng pag-isyu nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Walden Bello arestado sa kasong cyberlibel

August 8, 2022 @6:37 PM
Views:
9
MANILA, Philippines- Inaresto si dating vice presidential candidate Walden Bello ng Quezon City Police nitong Lunes dahil sa kasong cyber libel.
Kinumpirma ito ng kanyang staff nitong Lunes ng hapon, dahil sa isang cyber libel case fna inihain ni dating Davao City Information Officer Jefry Tupas laban kay Bello.
Batay sa seven-page resolution na may petsang Hunyo 9, lumabag ang dating mambabatas sa Revised Penal Code at sa Cybercrime Prevention Act of 2012.
Inilahad ng staff ni Bello na dinala ang politiko sa QCPD station 8, at magpipiyansa para sa pansamantalang paglaya.
Subalt, napag-alaman nila na ililipat ang dating mambabatas sa Camp Karingal para sa booking kasunod ng routine medical checkup.
Pumunta rin ang labor leader at running mate ni Bello sa Halalan 2022 na si Leody de Guzman nang malaman na naaresto si Bello, ayon sa staff niya. RNT/SA
Biniling P2.4B laptop para sa DepEd pinaiimbestigahan ng Makabayan Bloc

August 8, 2022 @6:30 PM
Views:
13
MANILA, Philippines- Isang resolusyon na humihiling na magkaroon ng imbestigasyon sa iregular na pagbili ng Department of Education (DepEd) ng P2.4 bilyong laptops para sa mga guro noong 2021 na nagkakahalaga ng P58,000 bawat isa ang inihain kahapon ng Makabayan Bloc sa House of Representatives.
Sa House Resolution 189 ay inatasan ng Makabayan ang House Good Government and Public Accountability na syang mangasiwa sa gagawing imbestigasyon.
Ayon sa Makabayan Bloc dapat alamin ng mga mambabatas sa DepEd kung bakit ito pumayag na ang Department of Budget and Management-Procurement Office(DBM-PS) ang syang mamili ng kanilang bibilihin laptop gayong mayroong opsyon ang Deped na bumuo ng kanilang bidding commitee.
Malinaw umano na P35,000 halaga lamang ng laptop ang bibilhin para magkaroon ang lahat ng mga guro subalit pumayag pa rin ang DepEd na bilhin ang P58,000 halaga ng laptop na nagresulta para mawalan ng unit ang ilang guro gayundin ay lumitaw na outdated na o luma ang processor ng laptop.
Sinabi ng Makabayan Bloc na hindi ito ang unang pagkakataon na bumili ng laptop ang DepEd dahil noong June 2020 ay nakabili ito ng unit sa halagang P32,500 na mas mabilis na modelo ng laptop.
Iginiit ng Makabayan Bloc na hindi dapat magbulang bulagan ang Kamara sa nasabing isyu.
“It is the primordial duty of the members of the House of Representatives to uphold the interests and welfare of the Filipino people against inefficiency and corrupt practices. The government should ensure that the access of teachers and students to quality programs and services, especially amid the pandemic, economic crisis, and ailing educational situation,” giit pa ng Makabayan Bloc. Gail Mendoza
E-services sa gobyerno, palalakasin ni Poe

August 8, 2022 @6:16 PM
Views:
22
MANILA, Philippines- Inihain muli ni Senador Grace Poe ang isang panukalang batas na magpapagaan sa pamamaraan ng pag-aasikaso sa gobyerno ng ordinaryong mamamayan gamit ang e-services upang maiwasan ang mahabang pila o matagal na oras na paghihintay.
Kahit sa bahay o trabaho, maaaring mag-aplay ang sinuman sa pagkuha ng benepisyo at makipagtransaksyon sa gobyerno gamit ang kanilang mobile phone o kompyuter, ayon sa Senate Bill No. 334 o ang panukalang E-Government Act ng 2022.
“Karapat-dapat na maranasan ng ating mga kababayan ang maginhawang pagtugon ng pamahalaan sa kanilang mga pangangailangan,” sambit ni Poe.
“Sa gitna ng bagong normal, higit na mahalaga ang mabilis at maaasahang paglilingkod ng mga sangay ng gobyerno sa ating mga mamamayan nasaan mang dako ng bansa,” dagdag ni Poe.
Iginiit ng senador na kinakailangan ang pagpapatupad ng e-government strategy na may seamless interoperability para sa kabutihan ng lahat.
Aatasan ng panukalang batas ni Poe ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na magtatag at magsulong ng isang e-government master plan para sa paglulunsad ng mga online na serbisyo ng mga ahensya.
Bahagi ng master plan ang archive at records management system, online payment system, citizen frontline delivery services, at public finance management at procurement system.
“Ang paghihintay sa pila ng matagal para sa mga ayuda, benepisyo at iba pa ay hindi na dapat danasin ng ating mga kababayan, lalo na ng may kapansanan. Walang puwang ang anumang pahirap sa kamay ng pamahalaan,” dagdag ni Poe. Ernie Reyes
Eksperto sa ‘Centaurus’ sub-variant: Gawa-gawa lang ‘yan ng media

August 8, 2022 @6:02 PM
Views:
24